Francisco Balagtas
Gawa nina Kerwin L. Concepcion at Gavinn M. Reolada
8C
Bukambibig ng mga estudyanteng nasa baitang 8 si Francisco Balagtas at ang kanyang obra maestra na Florante at Laura ngunit sino nga ba talaga si Francisco Balagtas?
Siya ay isinilang noong taong 2 Abril, 1788 sa Bulacan sa mag-asawang Juan Balagtas at Juana Cruz. Ang buong pangalan ni Francisco ay Francisco Balagtas Y dela Cruz o pwede rin siyang tawaging “Kiko Baltazar”. Nag-aral siyá sa Colegio de San Jose at sa Colegio de San Juan de Letran At naging “mentor” niya si Jose dela Cruz, Huseng Sisiw. Sa taong 1835 siya ay umibig sa isang binibini na nagngangalang Maria Asuncion Rivera, siya ang naging inspirasyon ni makata sa Florante at Laura.
Si Francisco ay nakulong sa hindi malinaw na kadahilanan at nakalaya lang noong 1838, ito ang taon kung kailan inilathala ang kaniyang obra maestra na Florante at Laura. Lumipat si Baltazar sa Orion, Bataan, at doon pinakasalan si Juana Tiambeng. Siya ay muling nakulong sa taong 1856 sa Tondo dahil sa isang reklamo galing sa isang katulong na diumano’y ginupitan niya ng buhok sa di-malamang dahilan. Habang siya’y nasa Tondo nagsulat siya ng maraming komedya para sa Teatro de Tondo. Nang makalaya na siya, dito na siya nakapagsulat ng maraming tula at Komedya hanggang dumating ang panahon kung saan siya ay yumao sa taong 20 Pebrero 1862.
Itinuturing si Francsico “Balagtas” Baltazar na “Prinsipe ng Makatang Tagalog” dahil sa kaniyang obra maestra na Florante at Laura. Itinuturing din siyáng pasimuno ng mga pagbabago sa panitikan sa loob ng pananakop ng mga Español.
Starter Pack ni Francisco Balagtas:


Si Francisco Balagtas ay nakapagtapos ng kursong Gramatica Castellana. Siya rin ay marunong magsalita ng iba’t ibang lengguwahe at syempre magaling din siyang gumawa ng mga tula, talaga ngang mapapasabi ka ng….

Sa buhay pag-ibig ng makata, nung una siya’y umibig sa isang binibini na naging inspirasyon sa Florante at Laura ngunit hindi niya ito nakatuluyan. Imbes na si Maria ang kaniyang nakatuluyan, si Juana Tiamben ang kaniyang napangasawa.
Magtungo na tayo sa mismong obra maestra ni Francisco Balagtas, ang Florante at Laura. Ngunit ano ba ang paksa o tema nito? Ang paksa nito ay tungkol sa pagmamahalan ngunit hindi lang pagmamahalan ang paksa o tema ng Florante at Laura. Ipinapakita din rito ang paghahari sa isang pamahalaan. Mayroon ring paksa na tungkol sa pagmamahal sa kanilang mga pamilya, mga katunggalian, diskriminasiyon at pagkakaibigan ng dalawang magka-away, madami ang paksa nito at maraming matututunan.
Dahil isa sa mga himagsik ng Florante at Laura ay laban sa mabagsik na gobyerno, masasabi kong naapektuhan ang storya ng gobyerno noon. Dahil ang Florante at Laura ay naisulat noong malapit na ang Panahon ng Himagsikan, nakaapekto ang gobyerno noon sa alegorya ng kwento. Dahil kung iintindihin, isa sa mga natatagong mensahe ng Florante at Laura ay ang pagtuligsa sa gobyerno noon dahil sa mararahas nilang gawain na nagdudulot ng kamatayan ng maraming inosenteng Pilipino. Nasabi kong nakaaapekto ito dahil kung hindi ganoon ang gobyerno nila, hindi marahil maisasama sa mga lihim na mensahe ang pagtuligsa sa gobyerno noon. Malaki ang epekto ng alegorya ng kwento sa mismong kwento, dahil kung wala ang lihim na mensaheng ito, marahil ay hindi magkakaroon ng maraming madugong eksena ang Florante at Laura.
Isang katotohanan, ang tunay o orihinal na pangalan ng Florante at Laura ay “Pinagdaanang Buhay nina Florante at Laura sa Kahariang Albanya”, ito ay isang mahabang pamagat ngunit maiintindihan mo naagad rito kung ano ang nilalaman ng Florante at Laura
Mayroong itinukoy si Francisco Balagtas na apat na himagsik sa kanyang ginawang kwento at ito ang mga iyon:
• Ang himagsik laban sa hidwaang pananampalataya
– Hiwalay ang estado pananampalataya
– Pagtanggi ng mga Muslim at Jolo sa relihiyong Katolika
• Ang himagsik laban sa hidwaang pamahalaan
– Masamang pamamalakad ng pamahalaan
– Ang trato ng mga Kastila sa mga Pilipino
– Hindi pantay ang karapatan ng mga Pilipino at Kastila
• Ang himagsik laban sa mga maling kaugalian
– Hindi mabuting kaugalian ng mga lahi
– Paghihiganti sa mga kaaway
– Pag-aagaw ng pag-ibig
– Masamang kaugalian sa lipunan
• Ang himagsik laban sa mababang uri ng panitikan
– Agwat ng tula sa pananagalog
– Napagitna ng panitikang tagalog na nakatuon sa pananampalataya
– Naka-gawa si Balagtas ng akdang pampanitikan na naglalahad ng kanyang mga paghihimagsik sa mga Kastila
Iyan ang mga tinu-tukoy niyang mga Himagsik
Sa kanyang obrang Florante at Laura, makikita sa parte ng balik-tanaw ang pighati niya para sa nabigong pagmamahal niya kay “Selya”. Salungat sa paniniwala ng nakararami, ginawang instrumento ni Balagtas ang kanyang paghihinagpis upang mabuo ang pinakatanyag niyang gawa, ang Florante at Laura. Masasabi nating nakaapekto ang kanyang emosyon noon dahil ang isang manunulat na may mabigat na emosyong dala-dala ay kadalasang nakakapagsulat ng mas kahanga-hangang mga sulatin. Sa kaso ni Balagtas, maaaring nagpaagos siya sa matinding kalungkutan subalit ginamit niya ito upang mas mapaganda ang istoryang kanyang nabuo.
Dahil sa apat na himagsik na itinuro sa Florante at Laura, maaaring nakapagpabago ito ng pag-iisip ng isang karaniwang tao noong Panahon ng Himagsikan. Unang himagsik na laban sa pamahalaan ang maaaring naging ningas para lalong makilala ng mamamayan ang gobyerno sa totoo nitong sistema. Dahil tila ibinunyag ng Florante at Laura ang baho ng gobyerno dahil sa himagsik, nakapagpabago ito ng pagtingin ng isang normal na tao noon pagdating sa kanilang gobyerno. Sa apat na himagsik na nakapaloob sa Florante at Laura, ang unang himagsik lamang ang sa tingin ko ay nakapagpabago sa isip ng tao. Ang paghihimagsik laban sa pamahalaan ay tila tama lang dahil kulang pa ang karahasang dinulot ng mamamayan sa gobyerno kumpara sa pagmamaltrato ng gobyerno noon sa mga Pilipino.
Maraming Salamat sa pakikinig~