"Masakit na Katotohanan"

Gawa nina Gavinn Reolada at Kerwin Concepcion

paksa: pagbabalatkayo


Sa kanyang pagsilang ay wala kang alam
Maaaring langit ang kanyang dinamdam
O imp’yerno’ng kanyang naging kamusmusan
Kaya’t mag-ingat sa kanyang kamalayan

Pinalaki bilang asong kumikitil
At humalo sa grupo ng mga tupa
Tignang maigi’ng mga gutom na pangil
Dahil sa likod galing ang mga lapa

Nang imulat mo ang iyong mga mata
Ikaw ay siguradong masasalanta
Dahil ang akala mong kaibigan mo
Ay siyang nagkukunwaring isang demonyo

Ngayong panaho’y mahirap magtiwala
Kahit sa iyong mga kakilala pa
Mas maayos nang sabihin ang totoo
Kaysa naman sa masaktan ka pa lalo

Ang pagdududa mo ay hindi masama
Lalo na kung buhay mo ang nakataya
Pwedeng ang kanyang kasamaan ay haka
O ang ‘yong huling hininga’ng kanyang nasa

Design a site like this with WordPress.com
Get started