DFA at DOLE – Florante
Travel Agency – Adolfo
T.A.: HAA! Natapos na rin ang araw. Sa wakas nakakurakot rin ako ng sandamkmak sa mga utak-dagang ‘yon. Wala silang kaalam-alam.
DFA: Hay, napakarami nanamang kaso ng pagnanakaw mga travel agency. Kawawa ang mga OFW. Magsisikap makaipon ng pera para lang makapunta sa ibang bansa tapos lolokohin lang nitong mga walang kaluluwang mga ‘to. Pero sabagay, ‘di ko na dapat ito alalahanin dahil di naman ako maaapektuhan dun. Ibibigay ko na lang amg mga kaso sa DOLE, tutal sila naman ang namamahala eh, bahala na sila. Tatawag muna ako sa DOLE
Tatawag ang DFA sa DOLE
DOLE: HAY! Diba trabaho nila yan, kaya nga sila DFA eh, Department of Foreign Affers. Bahala sila, di ko na aasikasuhin ang mga kasong yan.
May mga tatawag na pamilyang nagaalala
DFA: Opo sige po…. Bat sa akin? Diba dapat sa DOLE?! Hmm…. Parang kailangan ko nang tumugon sa mga problemang ito. Hindi lang ang DOLE ang nasisiraan kundi ako din eh.
Tatawag si DFA sa DOLE
DOLE: Hay ito nanaman si DFA, magrereklamo nanaman ito siguro. (…) Ha? Tulungan? Para sa mga OFW na inaabuso? Sige ayos lang. Ibababa ang telepono
DFA: Ayos, nagawan na rin ng paraan, magtutulungan na rin kami. Ngayon paano? Aha! May naisip ako! Paano kung imbistigahan natin ang travel agency na sinasabi nila, baka peke ang mga binibigay na dokumento!
Kakatok sa warehouse ng travel agency
Travel Agency: Sino ho sila?
DFA: May warrant of arrest at search warrant para sa inyong warehouse dahil kami ay nakakahalata na peke ang inyong binibigay na dokumento!
Travel Agency: Ahh hehe sandali lang ho pwede po bang magpaliwa-
DFA: May karapatan kang tumahimik, lahat ng iyong sasabihin ay maaaring maging laban sayo. ALIS! Sakit sa ulo!
Eksplanasyon:
Ang travel Agency ay nagpapahiwatig kay Adolfo at ang DFA at DOLE ay nagpapahiwatig naman kay Florante. Kung iintindihing mabuti ang monologo, mapapansin na ang BUONG obra ay nakalapat sa aming monologo.