Tayutay

Ang tayutay ay mga salita o pahayag na ginagamit upang bigyang – diin ang mga kaisipan o damdamin sa pamamgitan ng mga mabisa, matalinghaga, makulay, at kaakit – akit na pananalita. Ang paraang ito ang karaniwang ginagamit ng mga manunulat upang hindi tahasang tukuyin ang mensaheng nakapaloob sa kanilang mga akda tulad na lamang ng Florante at Laura.

Ang tayutay ay may mga iba’t ibang uri o mga klase. Ito ay mayroong hindi baba sa pito na uri at ito ang mga klase ng tayutay:

Mga Uri ng Tayutay

PAGTUTULAD

Ito ay di tiyak o di direktang paghahalintulad

Maaring ito ay pantay o di-pantay. Sa pantay ay iyong magagamit sa mga salitang katulad ng, kawangis nila, magkasing-, magkasim at iba pa. Ang di-pantay naman ay iyong magagamit ang mga salitang mas, kumpara, mas____kumpara, kaysa at iba pa.

PAGMAMALABIS

Ang pagmamalabis ay isang uri ng tayutay kung saan nagpapakita ng mga imposibleng mangyari sa mga tao, hayop, bagay, pangyaayri at iba pa.

PAGWAWANGIS

Ito ay isang tayutay na nagtutulad sa mga bagay bagay na hindi ginagamitan ng mga salitang tila, kagaya at katulad at iba pa.

PAGPAPALIT TAWAG

Katulad ng pagbibigay ng kasingkahulugan ng isang salita, ang pagpapalit-tawag ay paraan upang bigyan ng panghalili ang isang salita. Pinapalitan nito ang mga salitang may kasingkahulugan sa ibang salita, hinahanap rin dito ang pagkakaparehas ng layunin o silbi ng isang salita.

PAGPAPALIT-SAKLAW

Ginagamit ito bilang pamalit sa mga tao, bagay, o salita na nabibilang sa isang grupo. Isa sa halimbawa ay ang pagtawag sa grupo ng salitang “pula, asul, berde, dilaw, at puti” bilang mga “iba’t-ibang kulay”.

PAGSASATAO

Ito ay tumutukoy sa isang gawain kung saan binibigyang buhay ang isang wala naming buhay na bagay o pangyayari.

Itong uri ng tayutay ay kadalasang nakikita sa mga kwento

PAGTAWAG

maaari mo itong tawagin bilang “bunga ng imahinasyon”. Ito ay ang pagpapakahulugan ng mga salitang walang buhay o hindi nahahawakan bilang isanh bagay na iniisip ng awtor ay naroroon at nabubuhay. Madalas itong ginagamit upang mapalalim pa ang mga salita sa halip na nasa ordinaryo at walang anghang na porma ito.

Malaki ang naging epekto ng simbolismo at tayutay sa pag-unawa ng isang estudyante sa Florante at Laura. Una, dahil ang Florante at Laura ay may lihim na himagsik laban sa Kastila, naipakita ng simbolismo at tayutay ang ugali ng mga Kastila sa pamamagitan ng pagkilala sa kanila bilang mga makamandag at nakakamatay na hayop sa patagong paraan. Pangalawa, dahil maraming matalinghaga at malalalim na salita ang nasangkot sa Florante at Laura, mas maiintindihan ng mga mambabasa ang kwento sa pamamagitan ng pagsusuri at pag-aaral sa mga matanglihaga’t malalalim na salita na karaniwang nakapaloob sa tayutay at simbolismo.


Maraming Salamat sa Pagbabasa!~


Design a site like this with WordPress.com
Get started